World Bank ilalarga MMDA project kontra baha

[the_ad id="34231"]

Ipinahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na popondohan ng World Bank (WB) ang pagbuo nila ng isang master plan upang tugunan ang problema ng pagbaha sa National Capital Region.

Nakapaloob umano rito kung gaano kalapad o lalim ang drainage system na gagawin sa kahabaan ng EDSA.

“`Yung masterplan po ay study lamang, iba pa po siyempre `yung actual execution kung saan ipagagawa na po `yung mga drainage system according to the masterplan. So `yung master plan po masisimulan `yan next year at inaasahan po namin isang taon at kalahati up to two years bago matapos `yung plano. Kasi po kasama na dyan `yung detailed engineering design,” paliwanag ni Artes.

Samantala, sinabi ni Artes na regular na nililinis ang mga drainage sa Metro Manila pero nababarahan ito ng mga itinatapong basura at kabilang din ang mga informal settler sa mga estero na ginagawang palikuran ang mga daluyan ng tubig.

(Betchai Julian)

The post World Bank ilalarga MMDA project kontra baha first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn