Patay ang isang guro nang makasalpukan ng minamaneho niyang motorsiklo Sabado nang gabi.
Sa ulat, binabagtas ng biktimang si Neil Bryan Ojales, 26 anyos, lulan ng kanyang motorsiklo ang national road sa Barangay Tulo nang makabanggan niya ang kasalubong na Nissan Urvan van na minamaneho ni Rodolfo Hernandez bandang alas 8:25 nang gabi.
Nalagutan ito ng hininga habang dinadala sa Batangas Provincial Hospital sa Lemery bunsod ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Hindi rin binanggit sa report ang eskuwelahan kung saan ito nagtuturo.
Hindi naman tinukoy sa repot kung may suot na helmet ang biktima na itinatakda sa ilalim ng Republic Act No. 10054 o The Motorcycle Helmet Act of 2009.
Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya si Hernandez para sa isinasagawang imbestigasyon.
The post Titser utas sa salpukan ng motor, van first appeared on Abante Tonite.





