Nagbabala ang Department of Energy ng pagtaas ng presyo ng mga petrolyo dahil sa desisyon umano ng Russia na itigil ang pag-export ng langis.
Ayon kay Assistant Director Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau, asahan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo kasunod ng naging desisyon ng Russia.
Subalit kung mababa umano ang demand ay hindi magkakaroon ng taas-presyo kahit may kakulangan sa suplay.
“Itong si Russia po ay nagkaroon ng full ban sa export po ng gasoline at diesel eh alam naman po natin na may tight supply sa buong mundo,” pahayag ni Romero.
Sa kabilang banda, sinabi ni Romero na patuloy na magkakaroon ng kakapusan sa suplay ng langis matapos palawigin ng Russia at Saudi Arabia ang kanilang production cut.
“Kaya inaasahan po na at the end of the year, ang kabuuang kulang sa world supply is around 3 barrels per day,” pahayag ni Romero.
(Betchai Julian)
The post Taas-presyo ng langis ibinabala sa Russia export ban first appeared on Abante Tonite.





