Reporma sa MUP pension tinapos ng Kamara

[the_ad id="34231"]

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang reporma sa pension system ng military and other uniformed personnel (MUP).

Sa botong 272 pabor, apat na tutol at isang abstention, inaprubahan ng Kamara ang panukalang MUP Personnel Pension System Act (House Bill 8969).

Bukod sa pensiyon, kasama sa panukala ang pagtiyak na tataas ang sahod ng mga MUP ng 3% kada taon sa loob ng 10 taon.

Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na mahalagang mareporma ang pension system upang maging parehas dito ang mga benepisyaryo at gobyerno.

Sa ilalim ng panukala, 57 ang mandatory retirement age ng mga MUP o kung umabot na ito ng 30 taon sa serbisyo. Ang MUP ay maaaring mag-voluntary retirement kapag naka-20 taon na ito sa serbisyo. Sa mga key officer, ang kanilang retirement ay kapag natapos ang kanilang tour of duty o kung sila ay papalitan ng Pangulo.

(Billy Begas)

The post Reporma sa MUP pension tinapos ng Kamara first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn