Nagpakilalang insan ni BBM, nambudol ng P25M

[the_ad id="34231"]

Sinampahan ng kasong Syndicated estafa sa Department of Justice (DOJ) ng isang public relations consultant ang isang “scammer” na nagpapakilalang pinsan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nabatid kay Jennylei Caberte, Chief Executive Officer ng Media Blitz PR consultancy na umabot sa may P13 milyon ang nagoyo sa kanya ni Mario Pacursa Marcos.

Ang naturang halaga ay mula sa mga pinaorganisang event sa kanya ng suspek kung saan binayaran siya ng suspek ng talbog na tseke.

Bukod kay Caberte, nabiktima rin ni Marcos ng halagang P12 milyon ang Triple A contractor na si Phene Dy. Habang P800,000 naman ang nakuha kay Retired Army Brigadier General Arnulfo Jose Marocs.

Nabatid pinaniwala ng suspek si Dy na bibigyan ng isang kontrata para sa isang proyekto sa ilalim ni Pangulong Marcos. Habang nakumbinsi naman ang retiradong heneral ni Marcos na mag-invest sa isang proyekto dahil sila umano ay magkamag-anak.

Ayon sa retiradong Heneral, naniniwala siya na may mga heneral pang nabiktima si Marcos. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Nagpakilalang insan ni BBM, nambudol ng P25M first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn