Patay ang isang 15-anyos na estudyante habang kritikal ang angkas nito matapos sumalpok ang kanilang motorsiklo sa poste sa Barangay Lanting, Roxas, Isabela noong Sabado.
Kinilala ng Roxas Police Station (RPS) ang nasawi na si Adrian Yadao, habang ginagamot pa ang kanyang angkas na si Samuel Inere Jr., 17 anyos, kapwa estudyante at mga residente ng Barangay San Mateo, Quirino, ng nasabing lalawigan.
Sa report ng RPS, matulin umanong tinatahak nina Yadao ang kahabaan ng Barangay Lantin nang biglang nawalan ng kontrol ang una sa manibela dahilan para sumalpok ito sa isang poste ng kuryente.
Sa lakas ng pagkakasalpok, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima kung saan ay idineklarang dead on arrival sa ospital si Yadao.
Napag-alaman na walang driver’s license si Yadao at parehong walang helmet ang mga ito. (Allan Bergonia)
The post Motorsiklo sumalpok sa poste: Estudyante todas, angkas kritikal first appeared on Abante Tonite.





