Marian, Dingdong nag-away sa b-day sorpresa

[the_ad id="34231"]

Sa vlog ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young, naibahagi ni Dingdong Dantes kung sino ang kanyang showbiz crush.

Ito raw ay walang iba kundi ang magaling na aktres na si Dina Bonnevie.

Hirit pa ng Kapuso Primetime King, aware raw naman si Ms. D na crush niya ito.

Growing up daw kasi, very vocal siya sa admiration sa aktres.

Unforgettable event nga raw sa kanya nang makasama niya ito sa isang drama anthology na talagang kinabahan siya noong kaeksena niya ito.

Noong may programa rin daw itong ‘Ms. D’ sa GMA-7, sobra raw ang kilig niya noong mag-guest siya.

Siyempre, para sa kanyang crush, nagpakitang-gilas daw siya para ma-impress ito.

Sa tanong naman ng showbiz couple kay Dong, kung ano ang huling pinag-awayan nila ng misis na si Marian Rivera, ayon sa aktor, wala raw naman silang malaking bagay na pinag-awayan since pandemic.

Lately lang daw, sumama ang loob sa kanya ng kanyang kabiyak.

Nawindang daw kasi siya kay Yan dahil nahuli niya itong may plinaplanong something big para sa kanyang kaarawan.

Katunayan, handa na raw sana ang lahat para sa bonggang sorpresa nito pero sa last minute ay nakansela ito.

Hirit niya, ayaw raw kasi niya iyong sinosorpresa.

Napigilan daw naman niya iyong plano ni Yan pero nagalit daw ito sa kanya.

Katuwiran niya kasi, since in two years time ay magpo-forty five na siya, doon na lang daw sila mag-celebrate nang bongga.

Sa naturang vlog, nasabi rin ni Dingdong na open pa raw siyang matuto ng maraming bagay sa estado ng kanyang career.

Nasubukan na raw niya ang maging dancer, actor at TV host.

Aniya, gusto raw naman niyang i-try ang pagti-TikTok.

Bet din daw niyang magluto at probably ay mai-feature ang kanyang mga putahe sa vlog o sa TikTok.

(Archie Liao)

The post Marian, Dingdong nag-away sa b-day sorpresa first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn