Magdyowa tiklo sa damo

[the_ad id="34231"]

Dinakip ang maglive-in partner nang makumpiskahan sila ng mahigit sa P400,000 halaga ng tuyong dahon ng marijuana ng isang pulis na inakala nilang adik sa ilegal na droga sa Guiguinto, Bulacan noong Sabado.

Kinilala ni P/Lt.Col.Jowilouie B. Bilaro, hepe ng Guiguinto police, ang mga suspek na sina Jeremiah Santos alias Muya at Erika Joy Adviento, kapwa residente sa Barangay Poblacion,Guiguinto.

Bandang alas 11:30 nang gabi nang mabitag sa buy- bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek matapos nilang paiskoran ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isang pulis.

Narekober sa kanilang pag-iingat ang limang bricks ng marijuana na nakalagay sa backpack at nagkakahalaga ng P444,000.
Kakasuhan ang mga ito ng paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Jun Borlongan)

The post Magdyowa tiklo sa damo first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn