Lexi, Shayne,Althea pumiyok sa ‘ahasan’

[the_ad id="34231"]

Nang dahil kay Lexi Gonzales, nagkatawanan at naintriga ang ilang miyembro ng entertainment press sa mediacon ng ika-2nd anniversary ng Regal Studio Presents.

Masasabing ‘suki’ na ng RSP sina Lexi, Shayne Sava at Althea Ablan. Pero si Lexi ay kapareha ni Yasser Marta. Si Shayne naman ay si Dustin Yu at si Will Ashley ay leading man ni Althea.

Sa totoong buhay, may kanya-kanya silang tunay na karelasyon, except for Shayne na pinaninindigang ‘single’ pa rin siya.

Naitanong kasi si Lexi sa usaping loyalty kung gaano niya ito pinahahalagahan. Sa sagot niya, lumabas na may naga-attempt na mang-ahas sa boyfriend na si Gil Cuerva.

Sey niya, “Ako kasi, with loyalty, comes trust, e, importante talaga sa relationship ang tiwala. Lalo na sa industriya natin, ‘di ba? Aminin na natin, marami diyan na ahas. Marami diyan na mga plastic.

“Pero, nasa sa ‘yo na ‘yan, e, if you trust your partner. Kami kasi ni Gil, we’re in the same industry. Pareho kaming actors so, naiintindihan namin ang isa’t-isa. Ako, I trust him. The same way na he trusts me. At dahil do’n sa tiwalang ‘yon, meron kaming loyalty sa isa’t-isa.”

Na-experience na niya?

“Marami,” pag-amin ni Lexi.

“At sa industriya natin, hindi naman mawawala ‘yan. Pero, ano kasi, minsan alam natin kung dapat ang battles natin. We must choose our battles. Maraming tao who will drag you down. Gustong agawin ang boyfriend mo,” sey niya.

“Pipiliin mo na lang kung saan ka lalaban. Kasi, kung hindi naman worth it, ba’t mo lalaban?”

Si Shayne naman daw, sa relasyon ay wala pa siyang nae-experience na inahas siya. Pero sa career, “meron. Hindi naman po maiiwasan talaga sa buhay ang mga gano’n, betrayal po.”

Habang si Althea, mukhang secured sa relasyon nila ng Sparkle artist na si Prince Clemente at naniniwala rin na napaka-importante raw ng loyalty. Pero sa kanila, wala naman din daw siyang nae-experience na may nang-aahas.

Winner ha! Panoorin na nga lang sila sa Regal Studio Presents tuwing Linggo ng hapon. Ang RSP ang isa sa successful collaboration na nabuo sa panahon ng pandemic sa pagitan ng Regal at GMA-7. (Rose Garcia)

The post Lexi, Shayne,Althea pumiyok sa ‘ahasan’ first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn