Kabahan ka na Marco: Cristine hanap ng Kanong singer

[the_ad id="34231"]

Ang nene pa ni Cristine Reyes sa photo na ini-upload ni David Dimuzio. Kinailangan pa namin i-google kung sino si David.Isa pala siyang American musician.

Hindi pa namin alam ang kuwento kung bakit parang ilang beses na siyang nakarating ng Pilipinas. At sa profile niya, buong ningning na nakalagay na “love ko ang Pilipinas” through a heart at Philippine flag.

At ilan din sa mga kanta niya na uploaded ay OPM songs. Mukhang naka-collab na rin niya in the past ang ibang Pinoy celebrities, including Yassi Pressman.

Pero, may wanted talaga kay David. Walang iba kung hindi ang girlfriend ni Marco Gumabao na si Cristine Reyes. In fairness, totoo naman na nagkita na sila before na sabi pa ng singer, naaalala niyang mabait.

May photo itong ipinost na ‘yun nga, ang bata pa talaga ni Cristine. At obviously, gusto ni David na ma-reconnect siguro rito kaya nga hinahanap niya.

Sey nito, “Does anyone know this girl’s name? I remember she was really nice when we met years ago, and she’s an actress, but I can’t remember her name.”

Aliw ang mga comment ng mga netizen sa paghahahanap na ito ng singer kay Cristine. Ilan sa nababasa namin, “Naku Marco, kabahan ka na.”

“Taken na, masasaktan ka lang.”

“Marco Gumabao, ‘yung GF mo hinahanap ni David.”

Ano kaya ang reaksyon ni Cristine na wanted siya sa singer? At tulad ng singer, hindi kaya ‘the who’ na rin kay Cristine kung sino ito, huh. (Rose Garcia)

The post Kabahan ka na Marco: Cristine hanap ng Kanong singer first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn