Joshua handang pasampal kay Maricel

Advertisement

Honored and flattered si Joshua Garcia nang malamang special request siya ni Diamond Star Maricel Soriano para makatrabaho.

Sinabi ito ni Maria sa isang panayam at sey pa niya, naguguwapuhan siya at nagagalingan kay Joshua.
Nahingan siya ng reaksyon sa sinabi ni Maria at masayang wika ng aktor, gusto rin niyang makatrabaho ang iconic actress.

“Gusto ko rin siyang makatrabaho. Sana, ‘yung mas intense na drama lang, no? Mother and son story. Excited. Sana,” wika ni Joshua.

Nagpapasalamat ang aktor sa magandang pagtingin sa kanya ni Maricel.

“Thank you. Hindi pa ako artista, napapanood ko na siya,” sey ni Joshua.

Biruan nga ng press, ready na raw magpasampal ni Joshua kay Maria since trademark nga ng aktres sa mga nakakatrabaho niya ang malakas nitong sampal.

Anyway, inaabangan na ng mga fan ni Maria ang latest move niyang ‘In His Mother’s Eyes’ with Roderick Paulate and LA Santos under 7k Productions mula sa direksyon ni FM Reyes. Sa teaser pa lang kasi ay kitang-kita nang maganda ang pelikula at lumutang agad ang husay ng tatlong bida.

Plano ng produksyon na i-submit ang finished product ng movie sa Metro Manila Film Festival 2023 at sana ay makapasok ito. (Vinia Vivar)

The post Joshua handang pasampal kay Maricel first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn