SINAMANTALA ng Lyceum of the Philippines University Pirates ang kawalan ni last season MVP Will Allen Gozum upang kumamada nang husto sa second half sa pangunguna ni John Bravo para maitala ang 85-81 panalo sa ikalawang laro, Linggo ng gabi sa 99th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagpakita ng mas magandang opensa at depensa ang Pirates na nilimitahan sa 12 puntos lamang ang CSB Blazers sa third period upang makuha ang unang panalo, habang kumana ng team-high 18 points, walong rebounds at isang steal si Bravo para makapaglista ng panalo ngayong season matapos mangulelat noong nagdaang season.
“Flat iyung players namin nung first half [kaya] sinabi ko lang na hindi nagtatapos ang laro sa first half [kaya] we need to stick together and stick to the game plan kaya nakuha namin iyung first game namin,” pahayag ni coach Gilbert Malabanan matapos ang laro.
“Medyo nanggigil sila nung first half kase ‘di kami nanalo last year, kaya sabi ko ‘di kami pwede magpa-confident kasi wala si Gozum.”
Bagobito, pasabog din ang Jose Rizal University Heavy Bombers sa kapit-bisig nina Agem Miranda at Marwin Dionisio matapos silatin ang reigning champions na Colegio de San Juan de Letran Knights sa bisa ng 85-79 tagumpay.
Nakatulong sa pagtala ng puntos para sa Lyceum si Bravo na bumanat ng 16 points at apat na boards, gayundin sina Shawn Umali, na naging malaking pwersa sa ilalim sa second half nang tumapos ng 14 marka, anim na rebounds, dalawang assists at isang steal, habang kumana rin si John Barba ng 11puntos at limang rebounds.
Nagmistulang malaking bagay para sa Pirates ang kawalan ni Gozum na nasuspinde ng isang laro mula sa nakuhang technical foul noong 2022 NCAA Finals kontra sa Letran Knights, upang makalamang sa rebounding sa 49-41. (Gerard Arce)
The post John Bravo, Lyceum sinamantala suspensiyon ni Will Gozum sa CSB first appeared on Abante Tonite.





