Abot-kamay na halos ni Jericho Francisco Jr. ang medalyang tanso o pilak, pero nadulas sa patapos na takbo upang makuntento sa pang-apat na lang sa 19th Asian Games 2022 skateboarding men’s park finals, Lunes ng hapon sa Qiantang Roller Sports Centre sa Zhejiang Province, China.
Pumapangalawa ang pambato ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines Inc. na suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee patungo sa pangatlo at huling takbo.
Puwede pang mapataas ng 21-anyos na atleta ang 83.58 second run score, pero ilang segundo na lang sa madaling parteng bahagi pa, nadulas si Francisco.
Sinabit ang medalyang ginto kay Ye Chen ng China may 84.41 sa second run, napunta ang pilak-tanso kina Japanese Yuro Nagahara at Kensuke Sasaoka na may 84.00 at 83.66, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, pangpito naman ang 9-anyos na si Mazel Paris Delgado sa women’s finals na may 52.85 markers.
Sasalang ngayon sina defending champion Margielyn Didal kasama sina Mark Renzo at John Flory sa women’s at men’s street heat.
(Ramil Cruz)
The post Francisco nabitawan pa ang Asiad medal first appeared on Abante Tonite.





