Niladlad ni Margielyn Didal ang angas at galing sa halos isang taong pahinga sanhi ng injury upang pumasok 19th Asian Games 2022 skateboarding women’s street finals Martes ng hapon sa Qiantang Roller Sports Centre sa Zhejiang Province.
Suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee, pakitang gilas ang 24 na taong gulang na Pinay buhat sa Cebu sa second run na 41.53 best score para sumabit sa pang-anim sa walong qualifier sa medal round na lalargahan ngayong Miyerkoles.
Lumikom lang si Didal ng 37.86 points sa run 1 ng heats bago bumawi sa ikalawa upang matunton pa rin tamang daan para sa posibilidad ng pangalawang gintong medalya pagkasungkit sa 2018 Jakarta-Palembang Asiad.
Top 3 finishers sina Chinese Wenhui Zeng (69.15) at Chenxi Zui (66.36), at Japanese Yumeka Oda (65.26).
Sa men’s side, harurot agad ni PH 2019 SEA Games silver medalist Mark Feliciano sa pag-iskor ng 52.73 upang pumangito kasunod ang mababang 23.10 sa second run upang mag-qualify rin sa 8-man finale.
1-2-3 finishers sina Nippon Ginu Onodera (80.47), Korean Jihoon Jeong (74.49) at hometown bet Jie Zhang (72.56).
Ipaghihimagsik nina Didal at Feliciano ang pagsablay sa medalya nina Jericho Francisco Jr. at Mazel Paris Alegado sa park event. Pumang-apat ang una sa men’s division at pumampito sa women’s ang huli noong Lunes.
(Ramil Cruz)
The post Didal, Feliciano swak sa finals first appeared on Abante Tonite.





