KULONG ang dating helper ng isang tindahan makaraang mapiktyuran na nanloob at tumangay ng cash sa dating pinapasukan sa Imus City, Cavite Linggo ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Rolando Sandagan Jr y Gepte, 18, ng Imus City, Cavite dahil sa reklamo ni Knowmer Mariano Recto, 23, may-ari ng tindahan sa Imus Public Market, Brgy Tanzang Luma 1, Imus City, Cavite.
Sa salaysay ni Almira Acana Lauron, 48, store helper, natuklasan nito ang insidente nang magbukas ito ng tindahan at napansin nito na nawawala ang box na naglalaman ng tinatayang mahigit sa P5,000.00.
Agad naman nitong ipinagbigay alam sa may-ari ng tindahan kung saan nirebyu ang Closed Circuit television (CCTV) at nabistong dakong alas-8:35 ng gabi nang pumasok ang suspek sa loob ng tindahan at matapos ang ilang oras ay lumabas ito tangay ang pera.
Agad na nakipag-coordinate sa Civil Security Unit ng nasabing palengke ang may-ari na siyang nag-report sa Police Community Precinct 1 ng Imus CPS na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.
(Gene Adsuara)
The post Dating boss ninakawan ng tauhan first appeared on Abante Tonite.





