CWC kinondena pagkamatay ng 3-anyos na babae

[the_ad id="34231"]

Kinondena ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang malagim na pagkamatay ng isang tatlong taong gulang na batang babae sa kamay diumano ng kanyang kapitbahay sa Sultan Kudarat.

Panawagan ng CWC, ang mga bata ay dapat mahalin, kalingain at protektahan sa pang-aabuso at sa pagsasamantala.

Ang CWC, bilang pambansang ahensiya ng pamahalaan na nagtataguyod ng karapatan ng bawat batang Pilipino, ay masigasig na nagbabantay at gumagawa ng mga hakbang upang tuluyan nang matigil ang karahasan sa mga bata.

Anila, maaaring sumangguni at dumulog sa MAKABATA HELPLINE 1383 kung saan, ang kanilang mga social worker at abogado ay handang tumulong at tumugon sa anumang isyung pambata, kasama na ang pang-aabuso at karahasan, maging ito man ay sekswal, pisikal at sikolohikal.

The post CWC kinondena pagkamatay ng 3-anyos na babae first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn