Cong bet isingit Cha-Cha sa special session

[the_ad id="34231"]

Sino raw itong mambabatas na nagbabalak na itulak ang panukalang Charter Change sa special joint session ng Kongreso ngayong Sabado?

Ayon sa nakuhang impormasyon ni Mang Teban, nakaisip daw ng ideya itong congressman na ipilit ang resolusyon sa Cha-Cha dahil dadalo ang mga senador sa joint session ng Kongreso upang pakinggan ang talumpati ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Aprubado na kasi ng Kamara de Representantes ang Resolution of Both Houses 6 noon pang Marso pero walang ginawang aksyon ang Senado. Ito ay ang resolusyon para likhain ang Constitutional Convention o Con-Con upang amyendahan ang 1987 Constitution.

Posible raw na ipilit ni congressman ang botohan sa Con-Con resolution habang magkasama pa sila ng mga senador sa iisang bubong.

Ang pakay daw ni congressman, pagsasanibin ang botohan imbes na hiwalay ang botohan ng Kamara at Senado. Siyempre nga naman, kapag sinahog sa botohan ang mga senador, kakainin sila nang buhay sa dami ng mga kongresista.

Ang makakapigil lang daw sa kongresista ay kapag tinablan ito ng hiya at hindi na ipilit ang botohan sa Con-Con resolution.

Clue: Ang kongresistang atat sa charter change ay isang abogado at kilalang balimbing.

The post Cong bet isingit Cha-Cha sa special session first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn