Magsisimula ngayong Lunes ang romantic drama series na pinagtatambalan nina Bea Alonzo at Dennis Trillo. Ito’y pinamagatang “Love Before Sunrise.”
Ipapakita sa serye kung paano nila ipinagpatuloy ang kanilang relasyon kahit mali at ang mas excting part, ano ang nangyari? Nalaman ba ng kani-kanyang asawa na nakipagbalikan sila sa kaniang true love?
Matapang ang tema ng serye.Aabangan din sa pilot episode ang paghuhubad ni Dennis.Tattoo pa lang niya sa tagiliran ang nakita ng audience sa advance screening , nagtilian na.
Hindi lang kilig ang ibibigay nina Dennis at Bea sa viewers kundi paiiyakin din nila ang manonood. Mapanakit kasi ang serye.
Speaking of Bea, nalaman namin na pagkatapos ng ‘Love Before Sunrise,’ may kasunod na series na ito sa GMA-7.Gagawin niya ito bago ang kasal nila ng fiance niyang si Dominic Roque next year.
The post Bea gagawa pa ng 1 serye bago ikasal first appeared on Abante Tonite.





