Tagumpay na natapos na ang 22nd Asia Masters Athletics Championships (Nov. 8-12) sa Atletics Stadium ng New Clark City sa Capas, Tarlac.
Lumagak na tersera ang mga pambato ng Team ‘Pinas o National Masters and Seniors Athletics Association of the Philippines sa limang araw na kaganapang inorganisa ng NMSAAP sa pamumuno ni Jose Ang Jr.
Lumikom ang mga kababayan natin, na giniyahan ni quintuple gold medalist Nhea Ann Barcena, ng 42-41-34 (gold-silver-bronze) medals sa mga likuran ng India (70-63-82) at Japan (68-26-18).
Ang iba pang mga bansang mga humablot ng medalya ay ang China (40-32-26), Malaysia (49-21-49), Thailand (29-22-16), Kazakhstan (27-13-8), Sri Lanka (25-34-25), Iran (22-19-12), Mongolia (21-24-31), Saudi Arabia (16-8-5);
Singapore (14-12-11), Hong Kong (13-18-11), Indonesia (13-10-8), Chinese Taipei (11-16-14), Lebanon (3-0-0), Uzbekistan (1-1-1), Brunei (0-1-2), Bangladesh (0-1-1), South Korea (0-1-0) at Pakistan (0-0-1). Walang naiuwi ang Nepal (0-0-0).
Tubong Panukulan, Quezon na residente ng BGC, Taguig, isang batikang running coach, multi-titled runner at World Marathon Majors campaigner, nanalasa si Barcena sa women’s 40-44 10,000-meter, 5,000-m, 800m, 1,500m runs, at sa 2,000m steeplechase.
Calling po Philippine Sports Commission chairman Richard ‘Dickie’ Bachmann (PSC Board of Commissioners) beke nemen, mabigyan din po ng insentibo ang ating mga master/senior athlete sa pinagkaloob nilang mga karangalan sa ating bansa.
The post Barcena sinungkit 5 ginto sa ‘AMAC’ first appeared on Abante Tonite.