Ilang araw nakalipas, nabulabog ang karamihan dahil sakulimlim sa Metro Manila, kasabay na aktibong kilos ng Taalvolcano sa probinsya ng Batangas sa gawing timog ng Luzon.
Nagkaroon din ng mga babala tungkol sa hangin, sa pag suot ng mask at mga karamdaman sa baga. Dito narinig ang salitang“VOG” at madami ang nagtanong kung ano bai to at delikado ng aba kahit na sa pang araw araw ay nagkalat ang polusyon sahangin.
Bago natin pagusapan ang vog ay alamin muna natin ang dalawang termino, ang smog at ang fog. Ang fog ay nakikitangmga aerosol droplets sa malalamig na lugar. Sa madaling salita, condensation ng tubig habang ito ay gas. Mukha syang ulap at maaaring maging hadlang sa paningin. Ang smog naman ay polusyon sa hangin na nagpapababa din ng visibility. Madalas nanakikita sa mga lugar na industriyalisado na madamingfactories. Pwede din makita sa mga mataong lugar dahil sa usokna nangagaling sa mga sasakyan. May kinalaman din sareaksyon ng carbon monoxide at araw. Ang vog ay isangpolusyon din na may kinalaman sa mga gasses, kasama ang sulfur dioxide na kapag nahalo sa oxygen at araw ay kumakapalat dumiddilim ang paligid. At ang lahat ng ito ay may kinalamansa pumuputok na bulkan. Kaya ang salitang vog ay nanggalingsa “volcanic” at “smog”. Parehong nakakaapekto ng kalikasan, nagpapadilim ng kapaligiran, ngunit magkaiba ang dahilan. Ang una ay sa pagsabog ng bulkan, ang pangalawa naman aypagkasunog ng gasolina.
Ang vog ay delikado dahil sa dami ng kemikal na nasa ulap, karamihan ay asido, at napakaliit na maaaring pumasok sa atingbaga at manatili doon. Dahil dito, pwedeng mairita at mamagaang baga at magbigay ng sintomas. Kasama sa maaaringmaramdaman ay pananakit ng ulo, pagluluha ng mata, sore throat o pananakit ng lalamunan, panghihina, parang lalagnatin, at hirap sa paghinga na parang inaatake ng hika. Madalas makitasa mga bata at may edad na. Isama na din dahil sa dilim ng paligid ay maaaring maging sanhi ng aksidente lalong lalo na sadaanan at kalye, pati na din sa dagat at himpapawid.
Madalas naman ay nagbibigay ang ating pamahalaan sa mgasitwasyon na ganito, mapa vog o smog. At sa sandalingmangyari ang alinman, mainam na gawin ang mga sumusunod. 1. Manatili na lang sa loob ng silid o bahay. Kung hindikinakailangan lumabas ay huwag na lang. 2. Kung sakalingkinakailangan lumabas, magsuot ng face mask para protektadoang paghinga. 3. Isara ang mag bintana at pintuan ng silid at bahay ng huwag pumasok ang mga particles. 4. Ingatan ang sarili. Subaybayan ang mga updates mula sa local napamahalaan. At 5. Paalala, ang kaligtasan ng lahat aynapalahalaga. Kung may mag anunsyo, ipamalita sa mag kamaganak, kapitbahay, at mag mahal sa buhay. Ito ay magtulungantayo para ligtas ang lahat.
Hanggang sa susunod! Stay Healthy! Stay safe!Remain vigilant!
J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kapitbahay tuwinghuwebes 1pm at Health Watch tuwing ikatlong linggo ng buwan9am sa DZEC1062) at Doc Rylan Facebook Live tuwing linggong 11am. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na#docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mgakomentaryo at katanungan.
The post Ano Ang Vog? first appeared on Abante Tonite.





