HANGZHOU, China — Bubuksan ni Jack Animam at Gilas team ang makasaysayang ‘binyag’ na sabak sa 19th Asian Games 2022 women’s basketball sa SX Olympic Stadium dito ngayong Miyerkoles.
“The girls are excited and ready for their first Asiad,” deklarasyon ni Pat Aquino sa bisperas ng laban kontra Kazakhstan. Hinirit pang liksi at atake sa labas ang magiging armas ng Nationals para sa misyong makinang na unang laro.
Ang national coach ang nasa likod ng Pinay quintet na na mga suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee, na sumampa sa Division A ng FIBA Asia Cup at nagreyna sa 2022 Vietnam at 2023 Cambodia Southeast Asian Games.
“We have to have a strong start and control the tempo of the game. They are taller than us, so we have to take advantage of our speed and grit,” panapos na sey ni Aquino sa karibal na nag-top eight sa mga edisyon ng 2018 at Jakarta-Palembang at 2014 Incheon.
Kakapitan din ng Pinay squad sina Afril Bernardino, Camille, Nolasco, Andra Tongco, Monique Del Carmen, Mikka Cacho, Stefanie Bernabe, Katrina Guytingco, Khate Castillo, Louna Ozar, Chack Cabinbin at Janine Pontejos.
Bukod sa Kazakhs, Kasama sa Group B ng PH 5 ang two-time titlist Japan at Hong Kong.
(Ramil Cruz)
The post Animam, ‘Pinay quintet liksi, tira sa labas sasandalan first appeared on Abante Tonite.





