Eya Laure,  Chery Tiggo nilatigo ang Chameleons

[the_ad id="34231"]

Mga laro sa Sabado (PhilSports Arena)
2 pm – Cignal vs Petro Gazz
4 pm – Choco Mucho vs Akari
6 pm – PLDT vs Chery Tiggo

Nagsabwatan sina Eya Laure at Mylene Paat para bundulin ng Chery Tiggo ang Nxled, 22-25, 31-29, 25-23, 28-26 sa 6th Premier Volleyball League 2023 2nd All-Filipino Conference elims Huwebes ng gabi sa Philsports Arena, Pasig.

Tumikada si Laure ng 23 points mula sa 20 attacks at 3 blocks habang 16 ang kinana ni Paat sa Crossovers na nilista ang 5-1 karta at sumalo sa No. 2 spot ng team standing.

Hindi naging madali para sa Chery na makuha ang panalo matapos madapa sa unang set saka kinubra ang tatlong sumunod na stanza.

Tumikada rin sina Princess Robles at Ponggay Gaston ng 16 at 12 markers para sa Crossovers.

Nalasap naman ng Chameleons ang panglimang talo sa anim na laro.

Inorganisa ang torneo ng Sports Vision Management Groip, Inc. at mga suportado ng Mikasa, BingoPlus, ArenaPlus, Smart, Rebisco, Milcu, Kumu, Asics at SportRadar.

Ineere ang mga laro sa Pilipinas Live, PVL.ph, One Sports, One Sports+, at Smart Livestream app.
Lider pa ring mag-isa ang Creamline (5-0) nang lusutan ang Petro Gazz (4-2), 25-22, 23-25, 25-27, 25-19, 15-13.

(Elech Dawa)

The post Eya Laure,  Chery Tiggo nilatigo ang Chameleons first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn