Mangingisda nilamon ng Pacific ocean

[the_ad id="34231"]

Isang mangingisda ang nawawala matapos itong pumalaot mula sa Panukulan, Quezon patungo sa pangingisda sa bahagi ng Pacific Ocean.

Ayon sa report ng Panukulan MDRRMO, Lunes pa ng hapon nang umalis sa Barangay San Juan ang 45-anyos na si Rodel Armada, sakay ng kanyang motorbanca para manghuli ng pusit sa karagatan silangan ng Quezon, bahagi ng Pacific Ocean.

Kasama umano nito ang ilan pang mangingisda na sakay din ng kani-kanilang mga bangka nang mapahiwalay ito sa laot dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Jenny.

Nakabalik ang lahat ng bangka maliban sa biktima.

Nakipag-ugnayan na ang Panukulan MDRMMO sa Philippine Coast Guard sa Infanta Quezon, PCG sa Dingalan, Aurora, PNP at maging sa Philippine Airforce para sa water and aerial search and rescue operation sa nawawalang mangingisda.

(Ronilo Dagos)

The post Mangingisda nilamon ng Pacific ocean first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn