Nagsimula na ang DongYan ng shooting para sa kanilang MMFF movie na ‘Rewind.’ Pero, ayon kay Dingdong Dantes, nagsisilbing bonding na rin nila ni Marian ang nasabing shooting kahit trabaho talaga ang pagsasama nila.
“Excited kami sa project na ‘to, malapit na,” sey niya.
“Isipin mo, tatlong buwan na lang, December na.”
“Para sa akin, magandang indicator po ‘yon dahil sa pagkakaalam ko, may 50 mahigit na mga entries, mga pelikulang isinubmit for the Film Festival. It means, marami pa pong mga producer na talagang gustong gumawa ng pelikula, maipalabas ang pelikula nila, which is a very, very good sign.
“Hindi lang po ‘yon, ang mga hinahangaan kong artista ay meron din pong entries. Si Pipo (Tirso Cruz III), meron silang entry with Ms. Vilma Santos, one of the finish films. GMA Films, meron din pong pelikula. Ang dami pa. Alden Richards, Sharon Cuneta.
“Nakakatuwa, siyempre, we all belong to this industry and iisa lang naman ang gusto nating lahat, mabuhay ang industriyang ito. Bumalik ang mga manonood sa sinehan. Kaya sana itong December, e, mangyari talaga ‘yan. Lumabas ang mga tao, manood sila at tangkilikin ang Pelikulang Filipino, because we know, it can happen, especially kapag bumabalik ang mga Hollywood movies, kapag gusto talaga nila, pumapatok pa rin talaga,” bulalas niya.
Dagdag pa ni Dong , “That’s why it’s our hope and our prayer this Metro Manila Film Festival, ito kasi, masasabi natin mas normalize na lahat kesa sa mga nakaraang taon. Sana bumalik kahit papaano ang mga manonood sa sinehan.”
(Rose Garcia)
The post DongYan bonding time ang shooting first appeared on Abante Tonite.





