Baron hakot fan sa DonBelle

[the_ad id="34231"]

Generous si Baron Geisler sa pagbibigay ng mga positibong comment kay Donny Pangilinan sa mediacon ng kanilang pelikula.

Nagustuhan ito ng mga fan ni Donny. Dahil dito, bigla raw nagsipag-follow kay Baron ang mga fan ng young actor, baka nga pati DonBelle rin.

In fairness, hindi naman tiningnan na negatibo ni Baron ang comment sa X ng isang fan ni Donny. Ni-repost niya ito pero nagpaliwanag.

Sabi ng fan , “Biglang nahakot ni Baron Geisler ang mga fan nina Donny Pangilinan, Belle Mariano, ha! Dahil sa mga magagandang mensahe ni Baron kay Donny, na nakasama nga niya sa pelikula, biglang-bigla ay dumagsa ang mga tanong kay Baron tungkol sa DonBelle.”

Sinagot naman ito ni Baron na, “Pero ang totoo mas malapit po ako kay sir Anthony and Ma’am Maricel since they guide me and my wife also. Di lang puro showbiz. God centered. That’s the truth folks.”

Naku , ito siguro ‘yung tinatawag na tamang clout chaser lang. ‘Yung ‘di naman intentional.

(Rose Garcia)

The post Baron hakot fan sa DonBelle first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn