JB Sajonia, Gilas ‘Pinas 3×3 kinaldag ang Chinese Taipei

[the_ad id="34231"]

Sinundan ng Gilas Pilipinas 3×3 men’s team ang 5×5 counterpart sa maangas na sabak sa 19th Asian Games 2022 Martes ng gabi sa Deqing Geographic Information Park Basketball Court sa Zhejiang Province, China.

Bumutas nang importanteng six points si John Bryan ‘JB’ Sajonia sa pag-angkla sa ikalawang salanta ng Nationals, binigwasan ang Chinese Taipei (Taiwan), 17-12, sa Pool A at lumapit sa automatic last 8 slot.

May ayudang tig-4 points sina Alvin Pasaol at Justin Sanchez kay Sajonia, samantalang naka-tres si John Bismarck Lina para sa Pinoy team na mga suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Si Sajonia rin ang kumana para sa bansa nang kalusin ang Jordan noong Lunes, 13-8. May 6 markers din siya
Balik din agad sa court ang 3×3 squad kontra Hong Kong ngayong Miyerkoles, bago magpapahinga sa Huwebes at sagupain ang Mongolia sa Biyernes.

Walang ibang nasa kukote Pinoy dribblers maging si coach Lester Del Rosario kundi walisin at pamayagpagan ang Group A.

“Hong Kong and Mongolia pa ang kalaban. Gusto nating ma-sweep para top sa group,” bulalas ng anak nang alamat na coach.

Samantala, muling sumalang si Kayla Noelle Sanchez sa asintang unang medalya sa swimming, pumanglima sa women’s 100-meter freestyle finals sa kabila ng pangalawang pagwasak sa national record sa tiyempong 54.69 segundo. Siya ang nanguna sa kanyang heat sa umaga na naging third best time rin at new PH mark.

(Ramil Cruz)

The post JB Sajonia, Gilas ‘Pinas 3×3 kinaldag ang Chinese Taipei first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn