Halos mag-iisang buwan na rin sila Angelica Panganiban kasama ang kanyang mag-ama sa Sydney, Australia.
Pinakilala ni Gregg Homan ang aktres sa kanyang buong pamilya.
Sa bawat tour nila ay laging kasama nila Gregg ang kanyang mga kapatid at pinsan.
Nag-enjoy naman si Angelica na makasama sa bonding moment ang Homan family.
Naranasan din ni Angge na sumakay ng bus. Panay ang alalay ni Gregg dahil hindi raw sanay mag-bus ang fiancee.
Wala namang angal ang aktres kahit mag-walk to the max sila sa kainitan ng araw
Naaliw naman ako sa sinabi ni Gregg nang nakatapis lang ng white towel si Angge . Magsa-shower kasi ito.
Ani Gregg; “Mommy ang sexy mo naman,” na ikinangiti ng aktres.
Naku, Angge baka masundan na ninyo si Amila, ha?!
The post Angelica enjoy sa pamilya ni Gregg first appeared on Abante Tonite.





