“Anyare?” ani DJ Chacha nang makita niyang ang daming unknown transactions sa kanyang credit card. Umabot daw ito ng 60 plus.
Ang nakakaloka pa raw, ayon sa radio personality, ang karamihan sa transactions ay nagmula pa sa iba’t ibang bansa.
Kinol-out niya ang attention ng bangko na nag-issue sa kanya ng credit card.
Nakisimpatiya naman ang listeners ni DJ ChaCha dahil maging ang iba raw sa mga ito ay na-experience ang nangyari sa kanya.
Post ng DJ sa kanyang X account, “I have fought and won battles worse than this”
“Sarap ng tulog mo tapos paggising mo 60 plus unknown transactions sa ibang bansa sa credit card mo. Nyare?”
The post DJ Chacha windang sa credit card first appeared on Abante Tonite.





