Mapua, Escamis tiniris Baste

[the_ad id="34231"]

(FilOil EcoOil Arena)

2:00 pm – Perpetual Help vs EAC Generals

4:00 pm – Letran Knights vs LPU Pirates

Naging impresibo ang pagbabalik sa Mapua University Cardinals ni rookie Clint Escamis nang magpakitang-gilas ito sa debut sa collegiate league matapos payukuin ang San Sebastian College-Recoletos Stags sa iskor na 80-70 sa tampok na laro nitong Martes ng gabi sa 99th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.

Minsang sumabak ang NCAA juniors MVP sa Mapua high school sa pagmamando ni coach Randy Alcantara bago lumipat ng University of the East Red Warriors ng isang season noong 2019, bumalik nitong 98th season para magsilbi ng kanyang residency.

Nagbigay ng kakaibang enerhiya sa laro ang 22-anyos na 5-foot-11 playmaker sa kanyang impresibong pagtitimos sa laro sa pitong assists, habang nakalikha ng mga atake sa 12 points kasama ang 4-of-4 sa free-throw line, gayundin ang pagiging agresibo nito sa depensa sa apat steals at tatlong rebounds.

Nanguna naman sa scoring si Magnolia Hotshots-bound Warren Bonifacio sa 16 points, walong rebounds, tatlong steals, dalawang blocks at isang steal, habang sumegunda si JC Recto sa 15 markers, nine rebounds, at four steals.

Pinigilan ng Mapua ang mainit na panimula ng San Sebastian, na pinagbidahan ni Rafael Are na lumista ng career-high sa 18 points ngunit naglista ng walong turnovers

Nakuha ng Mapua ang 18 points na kalamangan, 72-54, ngunit hindi sumuko ang Stags at napababa sa pito ang lamang mula sa basket ni Raymart Escobido. Gayunpaman, tinuldukan ni Bonifacio ang pintuan ng Recto-based squad mula sa isang tres.

Naktakda namang maghanap ng kanilang ikalawang panalo ang Mapua kontra sa first game winner na San Beda University Red Lions na tinambakan ang Arellano University Chiefs, 85-61, sa kanilang pagtatapat sa darating na Biyernes, habang parehong hahanap ng resbak ang San Sebastian at Arellano sa Sabado.

(Gerard Arce)

The post Mapua, Escamis tiniris Baste first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn