Brunson nabatak sa World Cup

[the_ad id="34231"]

Pagkatapos ng stint sa Team USA, mas maangas ang dating sa New York ni Jalen Brunson at kanyang kakamping si Josh Hart.

Walang naiuwing kahit anong kulay ng medalya ang Americans, pero ibang klase ang karanasang nakuha ng players sa paglalaro sa 2023 FIBA World Cup sa Manila.

At tiwala si coach Tom Thibodeau na madadala nina Brunson at Hart sa Knicks ang napulot na experience sa FWC.

Kung may negatives man daw sa stint, mas marami ang nakuhang benefits ng players.
Du’n pa lang sa ensayo ng Team USA, kasabayan ang teammates na piling-pili ay marami nang napupulot.

“No one is being taxed to the point where he’s playing 40 minutes,” ani Thibodeau kay Steve Aschburner ng NBA.com. “You’re playing roughly a game. And every player on your team is a great player, so you’re practicing against the best.”

(Vladi Eduarte)

The post Brunson nabatak sa World Cup first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn