Bong dinumog 900  bisita sa tipar

[the_ad id="34231"]

Dinumog ng mga celebrities, politiko at prominenteng personalidad ang grand celebration ng 57th birthday and 50th showbiz anniversary ni Sen. Bong Revilla na ginanap sa grand ballroom ng Okada Manila last Monday, Sept. 25.

Nakakalula ang dami ng mga bisita at balita nga namin ay nasa 900 ang invited guests ni Sen. Bong.

Sa mga politiko, ilan sa namataan namin doon ay sina Senator Manny Pacquiao, Senator Imee Marcos, Senator Chiz Escudero, Senator JV Ejercito, Senator Mark Villar, Senator Bong Go, Senator Francis Tolentino, Senator Grace Poe, Senator Bato dela Rosa, Sen Lito Lapid,among others.

Sa hanay naman ng showbiz personalities, halos lahat yata ng nakasama ni Sen. Bong sa mga proyekto niya ay narooon dahil ang iba sa kanila ay hindi lang guests kundi performers din sa birthday/anniversary TV special na may titulong “Idol Ko Si Bong” at ieere sa GMA-7 on Oct.7.

Mapapanood sa TV special sina Robin Padilla, Jillian Ward, Phillip Salvador, Jinggoy Estrada, Maricel Soriano, Beauty Gonzalez, Ara Mina, Sunshine Cruz, Jean Garcia, Rochelle Pangilinan, Rabiya Mateo, Sanya Lopez, Tirso Cruz III, Niño Muhlach, Roi Vinzon, Gardo Versoza, Long Mejia, Betong Sumaya, Mitoy Yonting, Ogie Diaz at siyempre, ang pamilya ni Sen. Bong sa pangunguna ng misis niyang si Congresswoman Lani Mercado.

Naroroon din sina Alma Moreno, mag-asawang Aga and Charlene Muhlach, Ruffa Gutierrez, Richard Gutierrez, Tonton Gutierrez, Lorna Tolentino, Amy Austria, Mariel Rodriguez, Iza Calzado, Gabby Concepcion, Angelu de Leon, Gladys Reyes, Jimmy Santos, Bayani Agbayani, Dawn Zulueta, Jackie Lou Blanco, mag-asawang Ronnie Ricketts and Mariz among others.

Nakaka-goose bump ang number ni Lani at ng mga anak nang handugan nila ng mga awitin si Sen. Bong. Wala pa ring kupas ang dating singer/actress at maganda pa rin ang kanyang tinig.

JILLIAN MISTERYOSO ANG LALAKING KA-DUET

Nagtanungan naman ang press habang umaawit si Jillian dahil may lalaki siyang ka-duet na hindi makita sa stage. Nasaan daw ba ang ka-duet ng young actress at sino ito.

Ang bongga rin ng production number nina Gardo, Roi at Pip, pati na rin kina Robin, Kuya Ipe and Sen. Jinggoy.

Siyempre pa, masayang-masaya si Sen. Bong at wala na nga raw siyang mahihiling pa sa buhay. Ang hangad na lang daw niya ngayon ay makatulong pa sa mga tao at sa showbiz industry as well.

“I’m so blessed. Lahat na, ibinigay sa akin ng Panginoon. After what happened to me, yung buhay ko, di ba, parang rollercoaster,” he said.

“Ups and downs, and up. So, I just hope na basta maayos ang lahat, healthy lahat ng pamilya ko.

“Ang bayan natin, ang mga kababayan natin, kung papaano tayo makakatulong, makatulong tayo na talagang mararamdaman ng mga mahihirap nating kababayan ngayon.

“Yun ang ating wish na bigyan pa tayo ng lakas ng loob at sapat na talino para magampanan lahat ito,” pahayag ng golden boy at birthday celebrant.

Ano naman ang birthday wish ni Lani sa kanyang mister?

“Ang hirap mag-wish para sa isang taong halos lahat ay meron na, aniya.

“Wish ko siyempre, siguro sa kanya ngayon — kung ano man ang wish niya ay matupad! At siguro, yung health niya, since medyo bumabata na kami (sabay-tawa). Matutukan,” she said.

“At sana yung pangarap namin na mapanumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino. Ganun na lang ang wishes namin. Kasi, nakaka-miss talaga na nanonood ka na puno ang mga sinehan.

“Kasi, nag-evolve na ngayon, e. People are really going digital. So, sana mapanumbalik yung sigla muli ng panonood ng pelikula sa mga sinehan,” sey pa ni Lani.

The post Bong dinumog 900  bisita sa tipar first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn