Mga Chinese militia ginigipit `Pinas sa suplay ng isda – Recto

[the_ad id="34231"]

Matapos harangan ng Chinese Coast Guard ang daan sa Bajo de Masinloc upang hindi makapunta ang mga mangingisdang Pilipino sa lugar na kanilang pinangingisdaan, inilutang ng isang mambabatas ang posibilidad na ang mga ninakaw na isda ng China sa West Philippine Sea ay ibinebenta nito sa Pilipinas.

Sinabi ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto na isang “painful irony” na kailangang bumili ng isda ng Pilipinas sa China.

Ayon sa datos na nakuha ni Recto, noong 2021 ang China ang numero unong pinanggagalingan ng imported na isda ng Pilipinas— nasa 30.58% ng kabuuang dami na ang halaga ay $247 milyon.

“Ang tanong: Is this a case of balikbayan fish? Hinuli dito sa atin ng iligal, ngunit ibinenta at ibinalik ng ligal? If true, this is the worst kind of fish migration,” sabi ni Recto.

“Kamakailan lang, naglabas ang pamahalaan ng pahintulot sa pag-aangkat ng 35,000 toneladang isda na darating sa fourth quarter ng taon, at maaaring ibenta lang sa mga palengke,” dagdag pa nito.

Sa pamamagitan ng pagpigil sa mga Pilipino na makapangisda sa WPS, sinabi ni Recto na ginugutom ng China ang mga Pilipino habang binubusog ang kanilang mga residente.

“Kaya ang ginagawa ng China ay isang malakas na suntok sa ating sikmura,” dagdag pa ng mambabatas. “China must be called out for what it is really doing in the WPS: a food blockade that is a crime against humanity.”

Ayon kay Rector, “dual purpose” ang mga Chinese fishing militia na kasama ng China Coast Guard (CCG) dahil bukod sa taga-harass sa mga Pilipinong mangingisda ay tagakuha rin ang mga ito ng yamang-dagat sa WPS.

Sa ginawang pagharang ng CCG, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na lumiit ang share ng nahuhuli ng Pilipinas sa WPS sa 7%.

“Chinese constriction of WPS cripples a pillar of our food security, as that area contributes almost 30% of commercial fisheries output,” sabi pa ni Recto. “And as we grapple with fish shortage, partly due to the fact that our access to WPS has been denied, we resort to imports.”

(Billy Begas/Eralyn Prado)

The post Mga Chinese militia ginigipit `Pinas sa suplay ng isda – Recto first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn