Malacañang pinatanggal mga boya ng China sa Bajo de Masinloc

[the_ad id="34231"]

Tagumpay umano ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagtanggal ng mga delikadong floating barrier o boya na inilagay ng China sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).

Isinagawa ito sa utos umano ni Secretary Eduardo Año, chairman ng National Task Force for the West Philippine Sea, alinsunod na rin sa direktiba sa kanila ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Mapanganib umano sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat ang mga inilagay na boya ng China at labag ito sa international law.

Bukod sa delikado, hinaharangan nito ang mga mangingisdang Pilipino na umaasa ng kanilang ikabubuhay sa WPS na bahagi ng pambansang teritoryo ng Pilipinas.

Una nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na maaaring tanggalin ang mga boya na inilagay ng China Coast Guard sa Bajo de Masinloc lalo pa kung ito’y nasa loob ng exclusive economic zone ng bansa.

Paglabag umano sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kung mayroong nanghihimasok sa teritoryong sakop ng Pilipinas.

The post Malacañang pinatanggal mga boya ng China sa Bajo de Masinloc first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn