Sino raw itong mambabatas na terror sa mga empleyado ng kanilang kompanya bukod pa sa binabawal ang pagsingil sa overtime kahit lagpas walong oras na ang trabaho?
Ayon sa nakalap na impormasyon ni Mang Teban, itong lady solon na bansagan nating “RG” as in research girl, mahilig manermon ng empleyado at lima singko rin sa kanya ang “PI”.
Kahit na raw ang engineer sa kanilang kompanya, agad na sinisibak kapag hindi nagustuhan ang maliit na detalye sa proyekto.
Ang mas masakit, kahit lumagpas ng walong oras sa trabaho ang empleyado ng kompanya ni RG, hindi sila pinapayagan na maningil ng overtime, aba’y kaya pala yumayaman nang husto si madam.
Marami raw sa mga empleyado, walang kontrata kaya anytime na gustuhin ni RG, tsugi sila sa trabaho.
Parang nanood ka raw ng “Transformers: Dark of the Moon” dahil kaparehong-kapareho ito ng papel na ginampanan ni John Malkovich sa pelikula.
May color coding din kasi sa kompanya ni Madam, aba’y bawal na bawal na magsuot ng kulay pink na damit lalo na ang mga pinklawan.
Kung lalabag daw sa patakaran, suwerte ng empleyado kung suspensiyon lang ang parusa dahil madalas ay sinisipa ang mga ito.
Clue: Ang lady solon na binawal ang OT sa kanilang kompanya ay masipag at matiyagang manermon ng empleyado.
The post Lady solon binawal OT sa kanilang kompanya first appeared on Abante Tonite.





