Mga laro sa Setyembre 30
(Rizal Memorial Complex)
11:00 am SSCR vs. UE
2:00 pm Ateneo vs. FEU
5:00 pm Perpetual vs. Benilde
Binitbit nina Regina Grace Jurado at Angeline Poyos ang University of Santo Tomas Golden Tigresses laban sa NCAA champion College of St. Benilde, 25-13, 22-25, 25-12, 25-22 sa Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-Season Championship Season 2 Lunes sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan.
Nagtulong sina Jurado and Poyos na nagtala ng 19 at 17 puntos para itala ang perpektong record patungo sa playoffs para angkinin ang isa sa dalawang silya sa Pool C.
“Marami pa kaming rooms for improvement. ‘Yun ang pinakamaganda. Kailangan talaga namin ng consistency na siya namang pinaka-importante (pagpasok sa susunod na round),” sabi ni coach Kungfu Reyes.
Bukod kina Jurado at Poyos, sinandigan din ng UST si Jonna Perdido, na nagtala ng 20 puntos sa parehong bilang ng attacks.
Samantala, tinalo naman ng Adamson Lady Falcons ang NCAA runner-up Lyceum Lady Pirates, 25-16, 25-16, 25-13, sa unang laro upang masiguro ang top spot sa Pool B.
(Lito Oredo)
The post Jurado, UST wala pang talo first appeared on Abante Tonite.





