Jones Inso sapol pangalawang tanso ng ‘Pinas sa Asian Games

[the_ad id="34231"]

HANGZHOU, China – Nilagot ni Jones Inso ang magkakasunod na olats ng mga kapwa atleta bago dumilim ng Lunes nang harbatin ang pangalawang tansong medalya ng Team‘Pinas sa 19th Asian Games 2022 dito.

Sinikwat 26 na taon at tubong La Trinidad, Benguet na taolu specialist ang pangatlong sa wushu men’s taijiquan-taijijian all-around event sa Xiaoshan Gulai Cultural and Sports Centre.

May combined scores siyang 19.216 mula sa 9.76 points sa taijiquan (barehand) at taijijian (swordplay) sa pagbawi mula sa pagkabyos sa medalya sa Cambodia SEA Games noong May.

“Pinagbutihan ko lang ang training ko. Binalikan ko mga past performance ko and today naka-bronze tayo,’’ masayang bulalas ni Inso, na sinundan ang yapak ni Patrick King Perez sa men’s individual poomsae bronze ng taekwondo nitong Linggo.

Si Chinese Gao Haonanna na may total 19.666 markers ang sumambot ng gold samantalang si Hui Tak Yan ng Hong Kong (19.494) nag-silver.

“Challenge talaga ang mag-perform ng una. Napapanood ko lang mga kalaban ko at kinakabahan ako pero nag-enjoy rin ako,’’ hirit ni Inso, na ibinawi rin ang pagpang-apat ni 2018 Jakarta-Palembang bronze winner Agatha Wong sa women’s side isang araw lang ang pagitan.

Sunod kay Inso ang 3rd World Combat Games sa Riyadh 2023 sa Oct. 20-21 at 16th World Wushu Championships 2023 sa Forth Worth, Texas sa Nov. 16-20.

(Ramil Cruz)

The post Jones Inso sapol pangalawang tanso ng ‘Pinas sa Asian Games first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn