Mapua, Bonifacio totodo kontra Baste

[the_ad id="34231"]

Mga Laro ngayong araw (Martes)

(Filoil EcoOil Arena)

2 p.m.- San Beda vs Arellano U

4 p.m.- San Sebastian vs Mapua

Susubukang simulan ng mas maaga ng Mapua University Cardinals ang mainit na kampanya matapos mabitin sa paghahabol noong nagdaang season kontra sa bagong hasang San Sebastian College-Recoletos Stags sa tampok na laro ng 99th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament ngayong Martes ng hapon sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.

Matapos mabulilsayo ang muling pagbabalik sa Final Four at championship round noong 98th season dulot ng 0-8 kartada sa first round, pilit silang kukuha ng momentum sa nakuhang mga panalo sa second-round upang madala sa nakatakdang alas-4:00 ng hapon na laban kontra SSC Stags na patuloy na pagbibidahan ni 6-foot-5 forward Warren Bonifacio.

“We expect a tougher year because all the teams have improved but we prepared hard for this season because we want to improve from last year,” pahayag ni Mapua coach Randy Alcantara, na sasandal rin kina Toby Agustin, Paolo Hernandez at Clint Escamis.

Kumamada si Bonifacio ng 10.83 puntos at 7.83 rebounds kada laro, kasama ang 1.44 assists, 0.61 blocks at 0.33 steals, habang sumegunda sina Hernandez at Agustin ng 9.67ppg at 5.06, ayon sa pagkakasunod.

Magtitimon naman sa unang pagkakataon si John Kallos na kinuha ang pwesto ni Egay Macaraya bilang bagong coach ng San Sebastian para gabayan ang mga nalalabing manlalaro na sina Rafael Are, Romel Calahat, Alex Desoyo, Jessie Sumoda, James Una at Cris Jacob Shanoda.

(Gerard Arce)

The post Mapua, Bonifacio totodo kontra Baste first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn