Dahil pabagu-bago ang panahon dulot ng climate change, mahirap magplano ng lakad sa beach o resort.
Sa mga naghahanap ng magagalaan na safe sa anumang weather system, puwedeng mag-staycation sa mga nauusong camp site sa Amadeo, Cavite.
More than an hour lang ang layo nito mula sa Metro Manila, kaya naman easy lang na puntahan.
Isa sa dinarayo roon ang Kawa Bath and Glamp Camping Site sa Barangay Halang.
Makailang beses na akong bumisita sa naturang camp site. Bukod sa personal kong kakilala ang mga may-ari, talaga namang budget-friendly ang kanilang private place.
Hindi hihigit sa P3,000 ang overnight stay ng 2 to 3 persons.
Ang good news, may promo pa sila ngayong Oktubre – P1,600 ‘pag weekdays at P2,100 naman tuwing weekends.
Kasama na d’yan ang kubo accommodation, kitchen use, inflatable pool at bonfire.
Kung gusto mo namang mag-chill sa kawa na ipinagmamalaki nilang amenity, additional P300 lang – talagang abot-kaya.
Mas makatitipid kung magdadala ng food o di kaya’y bumili ng mga rekado at doon na lang lutuin. May kitchen area naman sa lugar na puwedeng gamitin.
Kung mahilig sa ihaw-ihaw, may griller din na maaaring gamitin. Magdala na lang uling.
Bukod sa budget-friendly, instragrammable din ang lugar. Puwede kang mag-selfie at groufie anytime. Lahat ng sulok, IG-ready.
Caviteño rin ako. Pero hanggang ngayon, naa-amaze ako sa weather ng Amadeo. Hindi mainit, hindi rin naman malamig. Tamang-tama. Kung ginawin ka, pinapayuhan na ring magdala ng panangga sa lamig.
Dagdag-atraksyon din ang pagiging mapuno sa lugar.
Ang sarap lang ding pakinggan ang huni ng mga ibon, hampas ng mga dahon, at damhin ang malamig na simoy ng hangin.
Talaga namang must-try itong Kawa Bath higit lalo sa mga kababayan natin rinding-rindi na sa noise at air pollution sa Metro Manila at mga karatig-bayan.
The post Tara sa Kawa first appeared on Abante Tonite.





