Hindi lang si Heart Evangelista ang inabangan ng Pinoy sa Milan Fashion Week, pati na rin si Pia Wurtzbach na bongga rin ang OOTD tuwing rumarampa. Nagbubunyi ang mga fan ni Pia tuwing may pino-post na mga photo niya sa Milan Fashion Week. Nagpapasabog daw siya ng kagandahan at kaseksihan sa Milan, Italy.
Mababasa ang mga comment na “Queenly,” “She continues to Slay,” “Sla witty queen,” “Always classy,” “Filipino represents” at iba pang comments.
Ang hindi lang maganda, kinukumpara at nilalagyan ng isyu sina Pia at Heart. Nagsasagutan na nga ang kani-kanilang fans at supporters. Ito ay kahit wala namang isyu sina Pia at Heart . Bukod dito, naka-follow pa raw si Pia kay Heart sa Instagram ng huli.
Isang rason na nakikita ng mga netizen kung bakit ginawang big deal na parehong nasa Milan Fashion Week sina Pia at Heart dahil ang isinamang glam team ni Wurtzbach ay ang former glam team ni Heart.
Kung saan-saan na nga napunta ang sagutan ng supporters nina Heart at Pia .Nagbilangan pa kung sino ang mas marami ang endorsements at kung sino ang mas sikat at kung ano-ano pa.
Hindi ba puwedeng maging masaya na lang tayo na dumarami ang Pinoy na rumarampa sa mga fashion week? (Nitz Miralles)
The post Pia, Heart pinagsabong sa Milan first appeared on Abante Tonite.





