Natimbog ng mga awtoridad ang isang high value individual (HVI) sa drug watchlist ng pulisya nang masabat dito ang mahigit sa P2.7 milyon na halaga ng illegal na droga sa Lucena City, Quezon kahapon nang madaling araw.
Ikinasa ng mga tauhan ng Quezon PNP, Lucena Police Station at PDEA 4A Quezon ang buy-bust operation laban sa suspek na si Khristian Joy Medina sa Barangay Ibabang Iyam kung saan ay nagresulta ito ng pagkakarekober sa kanya ng nasa 135 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P 2,754,000. 00.
Ayon sa pulisya, dati na ring nakulong ang suspek sa kasong pagtutulak ng ilegal na droga.
Nakasentro umano ang operasyon nito sa Lucena City at mga kalapit pang lungsod. Nakapiit ulit ito ngayon sa Lucena City police station custodial facility at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Actg 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Ronilo Dagos)
The post Tulak kinalawit sa P2.7M shabu first appeared on Abante Tonite.





