75 Chinese sa crypto, love scam pinalayas ng BI

[the_ad id="34231"]

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ang deportasyon o pagpapalayas sa 75 Chinese na sangkot sa cryptocurrency at love scam noong nakaraang taon.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, kabilang dito ang mga Chinese na umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Biyernes sakay ng Royal Air flight papuntang Nanning, Guangxi.

Kasama aniya ang mga ito sa unang batch ng mga dayuhan na pinalayas sa bansa dahil sa pagkakadawit sa isang online gaming customer relations service provider.

Ani Tansingco, bahagi sila sa grupong inaresto sa isang operasyon na pinangunahan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Rivendell Global Gaming Corporation sa Pasay City.

Isa sa mga deportee na kinilalang si He Zeng Ming, ang na-offload ng airline matapos itong makaranas ng pananakit ng dibdib.

Samantala, kasama na sa blacklist ng BI ang mga depotee kaya bawal na silang makabalik sa bansa.

Mahigit pa sa 70 dayuhan ang susunod na ipatatapon ng BI, ayon pa kay Tansingco.(Mina Navarro)

The post 75 Chinese sa crypto, love scam pinalayas ng BI first appeared on Abante Tonite.

Facebook
X
LinkedIn