Sukdulan ang pagdadalamhati ng isang ina nang masaksihan nito ang pamamaril at pagpatay sa kanyang anak na vendor sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Bumulagta sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Clifford John Cavan Lumba, 30-anyos at residente ng Sitio Basak Eba, Barangay Basak, Lapu-Lapu City.
Sa ulat, nagtitinda ang biktima kasama ang kanyang ina sa kahabaan ng Sitio Bagsak Eba nang sumulpot ang hindi pa
nakikilalang salarin at walang salitang pinagbabaril ito bandang alas-siyete nang gabi noong Biyernes.
Nakatakbo pa umano ang biktima kahit may tama na ito ng bala sa dibdib. Gayunman, kitang-kita ng ina ng biktima nang habulin ito ng suspek at nang maabutan ay muli itong pinutukan dahilan para tuluyan itong bumulagta.
Samantala, personal na galit ang sinisilip na motibo sa krimen.May person of interest na umano ang pulisya pero tumanggi muna ang mga imbestigador na tukuyin ito. (Natalia Antonio)
The post Vendor tinumba sa harap ng ermat first appeared on Abante Tonite.





