Himas-rehas na ang 2nd most wanted sa Taguig City dahil sa kaso ng
pangmamanyak.
Dinakip ang akusadong si Joel De Mesa ng mga tauhan ng Taguig City
Police Station sa Barangay Upper Bicutan sa bisa ng warrant of arrest
na inilabas ni Presiding Judge Byron San Pedro ng Taguig Family Court
Branch 15.
Gayunman, pinayagan ng korte na makapag-piyansa ito ng P200,000 sa
kasong acts of lasciviousness.
Hindi naman nagbigay ng iba pang impormasyon ang pulisya sa kaso ng
akusado.(Natalia Antonio)
The post No. 2 most wanted sa Taguig timbog first appeared on Abante Tonite.





